NEW YORK (AP)– Palalawigin ng NBA ang All-Star ballot upang mapasama lahat ng manlalaro at mas patagalin ang botohan para mas mabigyan ng pagkakataon ang fans na makapili.
Ang botohan para sa laro sa Pebrero 15 sa New York ay magbubukas sa Disyembre 11.
Karaniwan itong nag-uumpisa ngayong linggo, kung kailan wala pang halos 10 laro na naisasabak ang mga koponan sa season.
Ang balota sa NBA.com, sa unang pagkakataon, ay kabibilangan ng bawat manlalaro sa liga. Dati ay 60 manlalaro lamang kada conference ang napili ng media panel.
Patuloy na boboto ang fans para sa tatlong frontcourt players at dalawang guard upang maging starter para sa bawat conference.
Ang All-Star voting ay inisponsoran ng Sprint. Magtatapos ito sa Enero 19.