Ibinunyag ni Senator Cynthia Villar na aabot sa 100,000 metric tons (MT) ng karne ang naipupuslit ng mga smuggler sa bansa bukod pa sa 40,000 toneladang nawawala dahil naman sa technical smuggling.

Ayon kay Villar, lumabas sa kanilang imbestigasyon na naipupuslit ang mga karne ng walang mga dokumentasyon mula sa Department of Agriculture Bureau of Animal Industry at ng Bureau of Customs. “This is important because we want to identify the reason why backyard hog farming is declining, and how this is affecting the 65 percent who are small backyard raisers,” ani Villar.

Lumabas din sa pagdinig, na mayroong 35% taripa sa mga maayos na karne at 5% naman sa offal meat fats.

Ayon kay Villar, pinapasok ang mga good meat at idenedeklarang offal fats kaya nagiging 5% lamang ang taripa nito o malinaw na nanakawan ng 35% taripa ang pamahalaan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente