Sam-Milby_REGGEE-copy

NAGKAROON ng look-test sina Sam Milby, Meg Imperial at Coleen Garcia noong Miyerkules para sa bago nilang pelikula sa Skylight Films at Viva Films na may working title na Ex With Benefits.

Marami ang nagulat sa bagong look ni Sam na maigsi ang buhok, at ang katwiran niya ay dapat daw may bago siyang itsura para sa bago ni yang karakter.

"This is the look test pa lang so we're trying different looks," say ni Sam nang makatsikahan ng TV reporters.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sina Sam at Coleen ang ex-lovers at kontrabida naman si Meg na pilit aagawin ang aktor.

Pahayag ni Sam, " Actually there were a few people saying, 'Sam, parang nakaka-relate ka talaga dito (sa role). Because my character, his priority is to be successful in his work, and that's what happens. 'Tapos nu'ng nagbreak sila, he becomes successful, but he realizes after so long na ang kulang talaga sa kanya is love life."

Ang premyadong indie film director na si Gino Santos ang magdidirek ng nasa bing pelikula na nakatakdang ipalabas sa 2015.

Samantala, nagtanong kami sa manager ni Sam na si Erickson Raymundo kung ano ang next teleserye ng aktor, "As of now movie muna gagawin ni Sam. May gagawin daw teleserye, pero hindi pa sinasabi sa amin."