Tinutukoy kahapon ng Philippine National Police (PNP) kung anong uri ng droga ang ginagamit ng mga suspek na nambibiktima ng mga babae gaya sa nangyaring rape sa Makati City kamakailan.

Ibununyag ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) na Rophinol umano ang pinaiinom sa mga biktima ng gang rape.

Ayon kay PNP-AIDSOTF spokesman, Police Chief Inspector Roque Merdegia na layunin nitong matunton kung saan nabibili ang ganitong uri ng ilegal na droga ang mga sindikato upang mapigilan ang pagkalat pa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpahayag ng malaking alalahanin si Merdegia na lumaganap ang rophinol ngayong papapalapit ang Pasko at posible pang may mabibiktima ng rape gamit itong uri ng droga.

Sa ngayon umano marami ang nagpupunta sa mga kasiyahan, party at kung anu-ano pang pagtitipon kung saan madalas may inuman.

Ang rophinol na kapag nalanghap o nainom ng isang biktima, makatutulog ito ng hanggang dalawang araw, at pagkagising ay hindi nito maaalala pa kung ano ang nangyari sa panahon ng nawalan ito ng malay.