Sa exit point at hindi sa entry point ang dapat na pag-quarantine sa Ebola.

Ito ang binigyang diin ni Dr. Jaime C. Montoya, chairperson ng health sciences division ng National Academy of Science and Technology (NaST).

“Quarantine should be done right there in Ebola-affected countries, before the people board planes and ships to bring them out of the country,” wika Dr. Montoya, dalubhasa sa infectious disease at miyembro ng World Health Organization Western Pacific Region Clinical Advisory Committee for Emerging Infections.

“Those countries – like Liberia and Sierra Leone – they should be the ones doing the quarantine –– for 21 days before they allow people to leave the country. That is the ideal,” paliwanag ni Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DoST.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bagamat ganito, ayon pa kay Montoya, napipilitan na gawin sa Pilipinas ang quarantine dahil may sariling batas at regulasyon ang nabanggit na bansa.

“The problem is, those countries have their own laws and regulations. So we have no option but do the quarantine here,” diin niya.

Ipinag-utos ng administrasyong Aquino na pauwiin at i-quarantine ang mga pauwing OFW mula sa Liberia, Guinea at Sierra Leone, kabilang na ang 133 peacekeepers, dahil sa pagkalat ng Ebola virus sa West Africa.