TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Tatlong magkakaangkas ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan nang salpukin ng isang van ang isang motorsiklo sa Barangay Salamagui, Iguig, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni SPO1 Roland Pascual ang mga namatay na sina Santiago Buquel, Benigno Buquel at Jerry Paleg, na magkakaangkas sa isang motorsiklo.

Ang mga nasugatan ay sina Fredolyn Oñate, driver ng van at dalawang pasahero nito.

Lumitaw sa imbestigasyon na lumagpas ang motorsiklo sa kabilang lane kung saan naman papasalubong ang van ni Oñate, dahilan upang magsalpukan ang dalawang sasakyan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ideneklarang dead-on-the spot ang tatlong nakasakay sa motorsiklo habang ang mga pasahero ng van ay isinugod sa isang ospital.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng pulisya si Oñate upang sumailalim sa imbestigasyon. - Freddie Lazaro