Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P2.25-bilyon halaga ng ilegal na droga sa Cavite.
Ayon kay PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., ang pinakamalaking halaga ng mga sinunog ay 577,719.4 gramo ng iba’t ibang droga na nakumpiska ng awtoridad tulad ng shabu ephedrine, cocaine, marijuana, Diazepam at Valium.
Kabilang din sa sinunog ang ilang gamot na expired na at pinangangambahang mapanganib sa kalusugan ng tao.
Sinunog ang mga drogang nakumpiska ng PDEA sa pamamagitan ng thermal decomposition sa Integrated Waste Management, Inc. sa Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite, ang mga ito ay nabasag nang masunog ng kemikal upang hindi na mapakinabangan.
Sinabi ng PDEA Laboratory Service na ang mga sinunog na droga ay nagkakahalaga ng P2,238,867,200.