We are pushed to the limit. We are now going to stage a nationwide sit-down strike.”

Ito ang idineklara ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) dahil sa pagkabigong makuha ang tugon ng administrasyong Aquino sa kanilang karaingan at kahilingan hinggil sa dagdag na benepisyo.

“We have exhausted all possible means already but this present government is hard enough to listen to our demands. We have laid down all our basis, we have given him enough time already and since it seems that he does not care at all, then we have no choice but to heighten up our protest,” pahayag ni Benjie Valbuena, national chairperson ng ACT.

Itinakda ng grupo ng mga guro ang kanilang protesta sa Biyernes, Nobyembre 14.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Hinihiling ng grupo na itaas ang sahod ng mga guro at empleyado mula P18,549 sa P25,000 kada buwan at P9,000 sa P15,000 kada buwan, ayon sa pagkakasunod, at alinsunod sa Magna Carta for Public School Teachers at Salary Standardization Law III (SSL III).

“Kulang na nga ang sahod, tinanggalan pa kami ng benepisyo,” himutok ni Valbuena at binanggit ang pagtapyas sa P10,000 Performance Enhancement Incentive (PEI) sa P5,000 habang ang P2,000 Performance Incentive Bonus (PEB) ay ipatutupad lang ngayong taon.

“The time has come. We are ready and determined to get what is due to us. On November 14, with our members in the National Capital Region on the lead, a one-day sit down strike in our public elementary and high schools will happen. This is a strike for justice to all teachers and employees. This is a strike against a deaf, blind and insensitive government,” ani Mr. Valbuena.

Inihayag naman ni Education Secretary, Bro. Armin A. Luistro na batid ng kagawaran ang kalagayan ng mga guro at empleyado, pero may batas, aniya, na sumasaklaw dito at siyang dapat na sundin.

Bagamat ganito, ayon kay Luistro, sinusuportahan ng Department of Education (DepEd) ang pagsusulong na dagdagan ang sahod at benepisyo ng mga guro at empleyado.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng kalihim ang mga magpoprotesta na gawing maayos at payapa ang pagkilos upang hindi maapektuhan ang klase at iba pang gawain sa mga paaralan.