Mas pinalawak at mas pananabikan ng “sabong nation” ang ilalargang 2nd International Gamefowl Festival sa Enero 21-23, bahagi ng maaksiyong 2015 World Slasher Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Makikiisa ang mga international breeder na mula sa America, Guam, Saipan, Vietnam at Indonesia sa mga lokal gamefowl breeder para sa tatlong araw na pagtataguyod ng industriya ng sabong sa bansa. Bukod dito, inaasahan ang paglahok ng mahigit 50 exhibitors mula sa linya ng bitamina, animal wellness products, lifetstyle zone, gadgets, gismos at mga makabagong teknolohiya na magagamit para sa mas epketibong pag-aalaga at pagpapalahi ng mga manok panabong.

“The continuous holding of the World Slasher Cup is our commitment to the country’s gamefowl industry and the coming in of the International Gamefowl Festival will complete the equation,” pahayag ni Atty. Allan Gabor, OIC ng Araneta Center sa isinagawang press launching noong Sabado.

Iginiit naman ni Francis Ong ng Thunder Bird na magsisilbing ‘shopping center’ para sa mga sabungero at nagpaplanong sumabak sa pagpapalahi ang naturang Festival dahil makikilatis nila ang lahat ng uri ng linya ng mga lahi ng manok panabong na kanilang pangangalagaan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Lahat ng klaseng manok panabong nandito at makikita nila. In the same time. Available din ang ating mga exhibitors na ipaliwanag at magturo ng tamang pangangalaga ng manok higit sa mga nagsisimula pa lamang na magalaga,” sambit ni Ong.

Sinabi naman ni organizing member Lando Luzong na matatag at patuloy na kumakalinga sa ekonomiya ng bansa ang industriya ng sabong, sa pamamagitan ng buwis na naibabahagi nito, gayundin ang pagbibigay ng hanapbuhay para sa mamamayan.

“Also parts of the proceed ng Festival ay ilalaan ng organizer sa iba’t ibang programa at proyekto para sa komunidad at charity organization, higit ang mga kumakalinga sa mga kababayan nating magpahanggang ngayong ay lugmok sa kahirapan na dulot ng iba’t ibang trahedya,” pahayag ni Luzong.

Kabilang sa mga prominenteng breeders at sabong champions na magbibigay din ng suporta sa programa ay sina two-time World Slasher champion Rey Briones, Engr. Sonny Lagon, Nene Abello, Lancey dela Torres, Pao Malvar, Bebot Uy, Biboy Enriquez, Manny Delleva, Raffy Yulo, Art Lopez, Bernie Tacoy, Mayor Nene Aguilar, Gov. Eddie Bong Plaza, Allan Sianco, Boyet Plaza, Wilson Ong, Tol at Lino Mariano.