Lahat ng 108 miyembro ng Philippine peacekeeping force, na kasalukuyang nasa Liberia at magsisiuwi sa Pilipinas ngayong linggo, ay negatibo sa Ebola virus, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, hepe ng AFP Public Affairs Office (PAO), na nakapasa sa Ebola screening test ng medical staff ng United Nations noong Sabado ang lahat ng Pinoy peacekeeper.

Obligadong sumailalim ang mga peacekeeper bago sila payagang makabalik sa Pilipinas mula sa Liberia.

Sinabi ni Col. Robeto Ancan, commanding officer ng Peacekeeping Operations Center (PKOC) sa Tarlac, na nakakuha na sila ng kopya ng medical assessment sa mga sundalong Pinoy. Tiniyak ni Ancan na ang mga Pinoy peacekeeper ay “100 percent medically and physically fit” at hindi naapektuhan ng Ebola virus.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa kanilang pagdating sa Pilipinas bukas, Nobyembre 11, obligado silang sumailalim sa 21-araw na quarantine sa Caballo Island sa bukana ng Manila Bay, malapit sa Corregidor Island. (Elena L. Aben)