Ipinagdiwang noong Nobyembre 4 ang ika-102 kaarawan ng National Artist sa visual arts na si Carlos Botong Francisco sa Angono, Rizal na Art Capital ng Pilipinas na bayan niyang sinilangan. Idinaos ito sa GMA Kapuso Foundatin covered court sa Angono Elementary School. Dinaluhan ng mga guro, mag-aaral, mga pintor, mga empelyado ng munsipyo at iba pang panauhin.

Naging mga panauhing tagapagsalita sina Rizal board member Arling Villlamayor na bayaw ng National Arist na si Carlos Botong Francisco; Kenneth Esguerra, Senior curator/head of Conservation ng Ayala Museum; ang kilalang pintor-isklutor na si Nemiranda Jr; Angono Mayor Gerry Calderon at UP Professor Emeritus Ligaya Tiamson Robin na kinatawan ni Vice Mayor Sonny Rubin. Sa mensahe ni Rizal board member Arling Villamayor, binanggit niya ang ilan proyektong inilunsad sa pagpapahalaga kay Botong Francisco.Tulad ng relief sculpture ng mga likhang-sining ni Botong Francisco na nasa bakod na pader ng mga bahay sa Poblacion Itaas.Gayundin ang relief sculpture ng komposisyon na “Sa Ugoy ng Duyan” ni Maestro Lucio D. San Pedro sa Poblacion Ibaba. Tourist attraction na ngayon ang mga iskultura.

Tampok na bahagi ng pagdiriwang ng ika-102 kaarawan ni Botong Francisco ay ang opening ng art exhibit ng may 24 na reproduction ng mga likhang sining ni Botong Francisco sa pamamahala ng Ayala Museum. Ayon kay Kenneth Esguerra, senior curator at head consrervation ng Ayala Musum, ang art exhibit ng mga likhang sining ni Botong Francisco ay iniiliibot nila sa buong Pilipinas na ang layunin ay ipakilala sa lahat ng mga Pilipino ang kagalingan sa sining ng National Artist na si Botong Francisco. Kasabay ng art exhibit ang showing ng documentary film na may pamagat na “Carlos Botong Francisco: A Nation Imagined” na ginawa ni direktor Peque Gallaga. Ipinakikita ang documentary film sa mga paaralan sa Angono. Natutuwa ang mga taga-Angono sapagkat nag-umpisa ang art exhibit sa kaarawan ng National Artist. Tatlong linggo ang art exhibit at pagkatapos ay illipat sa Kawit shrine sa Cavite.

Matapat naman pinasalamatan ni Angono Mayor Gerry Calderon ang mga taga-Ayala Museum sa art exhibit sapagkat sa unang pagkakataon ay nakita ng mga taga-Angono ang mga likhang sining ng kanilang kababayan na National Artist.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists