Nag-alok ang Bureau of Immigration (BI) ng P2,000 pabuya sa sinumang magre-report sa kawanihan ng mga overstaying na dayuhan sa kani-kanilang lugar.
Sinabi ni BI Spokesperson, Atty. Elaine Tan na ang proyekto ay bahagi ng programang “Bad Guys Out, Good Guys In” ni BI Commissioner Siegfred B. Mison.
Sa bisa ng Immigration Memorandum Circular No. SBM-2014-017 na nilagdaan noong Oktubre 27, 2014, layunin ng “Sa Immigration Magsumbong” na tukuyin ang mga dayuhan o turista na labis na ang pananatili sa bansa.
Ang sinumang may impormasyon tungkol sa mga overstaying na dayuhan ay maaaring mag-report sa BI National Operations Center (BINOC) sa pamamagitan ng pagte-text (SMS) sa: +63917-5733871 (Globe), +63908-8946644 (Smart), at +63932-8946644 (Sun).
Kailangang nakadetalye sa report ang mahahalagang impormasyon sa format na ito: SIM
Matapos maipadala ang message, makatatanggap ang impormante ng reply mula sa BI acknowledging receipt na nagsasabing ibeberipika at iba-validate ang natanggap na impormasyon.
Tiniyak ni Tan na confidential ang lahat ng impormasyong matatanggap ng BI. - Jun Ramirez