DAVAO CITY – Isang magnitude 5.7 na lakas ng lindol ang yumanig sa Davao Oriental dakong 6:54 ng umaga kahapon, ayon sa Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang epicenter ng lindol ay natukoy 38 kilometro timog-silangan ng bayan ng Tarragona at may lalim na 38 kilometro at tectonic.

Naramdaman naman ang intensity 4 sa Davao City at intensity 1 sa General Santos City.

Walang iniulat na napinsala ang lindol. - Alexander D. Lopez

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary