NEW YORK (AP) – Sina Darth Vader, Mufasa at maging ang tagline ng isang 24-oras na news network ay pawang nakatulong upang makilala si James Earl Jones bilang isa sa pinakakilalang boses sa mundo at igagawad sa kanya ang unang Voice Icon Award.

Pero ayon sa aktor, may mga panahong hindi siya nagsasalita. Noong bata pa ay matindi ang kanyang pagkautal hanggang sa dumating ang panahon na ayaw na niyang magsalita.

“I once did not speak. I was mute. When I finally did speak, though, I spoke as an adult,” kuwento ni James Earl.

Nang magsalitang muli, pinasalamatan ni James Earl ang kanyang guro sa pagbibigay sa kanya ng mahuhusay na payo na nakatulong nang husto sa kanyang career.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“I was 16 or 17, and my teacher said, ‘You remember yourself speaking as a child, you’re now hearing yourself as an adult, don’t get impressed with it. Don’t listen to it, because you can fall in love with the melodious of it. If you listen to it, then nobody else will’,” aniya.

Naging makabuluhan naman ang payong ito dahil ang Tony-winning at Oscar-nominated actor ang unang tatanggap ng Voice Icon Award mula sa una rin na Voice Arts Awards ngayong Linggo. Sponsored ng Society of Voice Arts and Sciences, kikilalanin sa bagong taunang event ang pinakamahuhusay na boses ngayong taon mula sa telebisyon, pelikula, video game, commercial at audiobook.

“There is magic in the human voice,” sinabi ni James Earl sa Associated Press. “And I’m honored.”

Bagamat mahal ni James Earl ang lahat ng kanyang voice characterization, may ilang natatangi para sa kanya.

Isa sa kanila si Mufasa mula sa The Lion King ng Disney.

“I found myself as an adult watching it with great interest and great involvement. When Mufasa died, I understood Simba breaking down and crying because Daddy is gone. That had an effect on me, that film.”