Dalawa ang patay habang tatlo kasamahan ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinakyang dump truck sa Barangay Alagia, Pinukpuk, Kalinga iniulat kahapon.

Nakilala ang mga namatay na sina Vicente Banatao, 45, at Camilo Banatao, 63; habang sugatan naman sina Marck Banatao, 25; Reynold Banatao, at Emilio Banatao na driver ng nasabing sasakyan at residente ng Pinukpuk, Kalinga.

Lumabas sa imbestigasyon ng Pinukpuk Police Station, ang dump truck ay pagmamay-ari umano ng isang barangay chairman na si Emilio Banatao na maghahatid sana ng buhangin at tabla sa Alagia Elementary School nang maganap ang sakuna.

Nawalan umano ng preno ang dump truck at bumangga sa barikada bago tuluyang nahulog sa bangin na mayroong tatlong metro ang lalim.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Isinugod sa Kalinga Provincial Hospital sa Bulanao, Tabuk City ang mga sugatan.