The Professor

Para sa international streetball legend na si Grayson Boucher, ang kanyang ikalawang pagbisita sa Pilipinas ay isang karanasan na hindi niya malilimutan.

Kilala sa bansag na “The Professor,” si Boucher, kasama ang kanyang koponan na Ball Up, ay naglaro para sa isang charity basketball event kamakailan para kumalap ng pondo para sa Gawad Kalinga upang makapagpagawa ng mga bahay para sa mahihirap na pamilyang Pilipino.

Ang dating NBA MVP na si Allen Iverson ang nanguna sa nasabing basketball fundraiser.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“It was a blessing to come back here after my first visit 10 years ago to play and interact with fans again,” ani Boucher. “Also, to be part of an event that was charity-driven to help Gawad Kalinga, in a poverty driven area which we had the honor to visit.”

Malaking bahagi ng kinita ng nasabing event ang mapupunta sa Gawad Kalinga Bulaklakan Chapter sa Quezon City, at ilang bahay ang dedicated para kina Iverson at Ball Up.

Bago umalis pabalik sa Los Angeles noong Huwebes ng gabi, sinabi ni Boucher na hindi siya magsasawang magtungo sa Pilipinas upang makapagbigay-saya sa Pinoy streetball fans.

“It was a lot of fun. Hopefully, me and my whole team will have a chance to come back and play for our Filipino fans again. We appreciate all the love and supports. See you all again sometime,” sabi ni Boucher.

Ang mga miyembro ng Ball Up na nakasama ni Boucher ay sina Larry “Bone Collector” Williams, Aaron “AO” Owens, Ryan “Special FX” Williams, Gary “G-Smith” Smith, Anthony “Mr. Afrika” Pimble at Taurian “Air Up There” Fontenette.