CARRANGLAN, Nueva Ecija - Naging madugo ang paghihiwalay ng mag-asawa makaraang pagsasaksakin at mapatay ng kanyang mister ang isang 41-anyos na ginang dahil sa matinding selos, Huwebes ng madaling araw, sa Barangay Joson sa bayang ito.

Sa ulat ng Carranglan Police sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, nakilala ang biktimang si Lisa Anudan, habang nasakote naman ang Ernesto Dalit, kapwa ng Bgy. Rangayan sa Roxas, Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, nakikipaghiwalay si Anudan kay Dalit at sa kanilang komprontasyon sa gitna ng kalsada ay pinagsasaksak ng suspek ang asawa dahil sa pagtanggi nilang balikan siya.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists