NAPASUBO yata si VP Binay nang hamunin niya si Sen. Trillanes ng debate. Hinamon niya ang senador dahil hindi aniya totoo ang bintang sa kanya na overpriced ang parking building at kanya ang Hacienda Binay sa Rosario, Batangas. Kaya niya pinili ang senador na makadebate dahil, ayon mismo sa Vice-President, ito ang naghain ng resolusyon sa senado na imbestigahan ang parking building kung ito nga ay overpriced.

Dahil ang paghamon ni VP Binay ay may kaugnayan sa isyung ito, ito dapat ang maging isyu sa debateng nais niyang maganap kay trillanes. ang problema, ang dapat daw na maging isyu ay kung katanggap-tanggap na proseso ang imbestigasyon ng Senate Blue ribbon Committee na nakayuyurak sa integridad ng kanyang tanggapan. Hindi rin dapat aniya isama ang katiwalian.

Kaya pala hindi maayos-ayos ang public debate eh ganito pala ang posisyon ni VP Binay. Paano niya maibibigay ang kanyang panig sa mga isyu na overpriced ang parking building at katiwalian na ibinibintang sa kanya? ano naman ang mapapala ng taumbayan kung ang isyung pagdedebatahan ay ang isyung gusto niya? Ang nais malaman ng taumbayan ay ang katotohanan sa mga bintang sa kanya na overpriced ng 1.3 bilyung piso ang gusali at ito ay napunta sa pagbili at pag-ayos ng Hacienda Binay. Malaking bagay ito lalo na kung gusto niyang maging pangulo ng bansa.

Si Trillanes ang pinagbibintangang dahilan ng pagpapakamatay ni Gen. Reyes. Dahil sa isang pagdinig sa Senado na si reyes ay isa sa mga naimbitahang resource person, humingi ito ng permiso na magsalita para sagutin ang winika ng kanyang kapwa resource person. nais kung pangalagaan ang aking dangal, sabi niya. Wala ka namang dangal na dapat protektahan, sagot sa kanya ni Trillanes. Sa debate sana nito kay Binay, baka masabi ng Vice President sa kanya na sinisira nila ang kanyang pangalan eh masagot naman ito ng senador na ikaw ang sumira ng iyong pangalan.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists