HINIRANG ang GMA-7 stars na sina Mikael Daez at Kylie Padilla bilang representatives ng Save the Children. Sila ang unang Filipino ambassadors ng naturang organisasyon.

Ang ilan sa international ambassadors ng Save the Children ay sina Hollywood A-listers Jennifer Garner at Julianne Moore, football star Cristiano Ronaldo at kilalang stylist/editor/fashion designer Rachel Zoe. Sila ang nagpo-promote ng advocacy sa pagbibigay tulong at pagpapataas sa kalidad ng pamumuhay ng kabataan.

Masaya si Mikael sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa Pinoy ambassadors ng naturang organisasyon na aniya ay malaking karangalan para sa kanya.

“I’ve always wanted to help children. All children should be able to dream about what they want to be when they grow up. Save the Children’s work means that more children can have those dreams. I am excited about the opportunity to work alongside this amazing charity and I’m privileged to be able to use my work for this excellent cause.”

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nakahanda na rin si Kylie upang gampanan ang kanyang panibagong role bilang ambassador ng children’s organization.

“It is a privilege to be a representative of Save the Children and be given the opportunity to help children in need, especially typhoon Yolanda survivors. I want to do whatever I can to help provide them everything they need so they can recover from their experiences and reach their full potential,” pahayag ni Kylie.

Bibisitahin nina Mikael at Kylie ang Yolanda-affected communities sa Tacloban para personal na makita at makasalumuha ang ilan sa survivors. Halos 800,000 katao na ang natulungan ng Save the Children sa Yolanda-hit areas sa pamamagitan ng pagbibigay ng emergency life-saving aid at long-term livelihood support.

Ayon sa Save the Children’s country director na si Ned Olney, ikinatutuwa nila na makasama sa kanilang organisasyon sina Mikael at Kylie.

“Save the Children is delighted to have such passionate engaged young people working with us as we strive to give every child in the Philippines the best start in life. We hope that our relationship with Kylie and Mikael will give us the opportunity to reach many more children and save even more lives,” sabi ni Ned Olney.