Isang lalaki ang namatay matapos gulpihin ng tatlo nitong kainuman na nagalit matapos niyang kamayin ng una ang kanilang pulutan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Rodriguez Hospital si Edmar Dela Pena, 26, tubong Oriental Mindoro at residente ng Phase 9, Package 5, Excess Lot, Bagong Silang sa nabanggit na lungsod.

Nagtamo siya ng mga pasa sa mukha at sugat sa ulo na kanyang ikinamatay.

Nakatakas naman ang mga suspek na si Harold Francisco at ang dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan matapos ang insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa report, nag-iinuman ang mga ito sa bahay ng biktima pasado 1:00 ng madaling araw nang hindi gumamit ng kutsara ang biktima sa pagkuha ng pulutan na ikinagalit ng tatlo hangang pinagtulungan siyang bugbugin.