Miriam Defensor Santiago

Hiniling ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa Department of Agrarian Reform (DAR) na kumpiskahin na ang ektaektaryang lupain sa Rosario, Batangas na sinasabing pag-aari ni Vice President Jejomar Binay.

“Whether the hacienda is 145 or 350 hectares, it is in violation of the Agrarian Reform Law, which limits land ownership to only five hectares” ani Santiago na dating kalihim ng DAR.

Aniya, kaduda-duda ang pagaari ng kontrobersiyal na lupain at may mga indikasyon na may iregularidad din sa pagpalit nito mula sa lupang sakahan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Matatandaan na inako ng negosyanteng si Antonio Tiu ang mga lupa at nagpakita ito ng isang pahinang dokumento sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee na nagpapatunay na nabili niya ang mga lupa.

Hanggang ngayon, hindi pa rin isinusumite ni Tiu sa sub-committee ang mga dagdag na dokumento na magpapatunay na siya ang may-ari ng Rosario property.

“The size of the hacienda alone indicates non-compliance with the intent of the agrarian reform law, which was to break up haciendas and sell them to the farmers. Normally, nobody in Rosario, Batangas where the hacienda is located should own more than five hectares of land,” dagdag pa ni Santiago.

Base sa talaan ng DAR, sinabi ni Santiango na 87 ektarya lamang mula sa Rosario, Batangas ang inaprubahan sa conversion.