Isinakatuparan nina ABAP mainstays Charly Suarez at Mark Anthony Barriga ang nakahahangang panalo kontra sa mga kalaban sa magkahiwalay na venues sa unang pagsasagawa ng AIBA Professional Boxing Tournament (APB), ang pinakabagong proyekto ni international federation president Dr. Ching-Kuo Woo.
Inilunsad sa kaagahan ng taon na ito, inihandog ang APB hinggil sa pagpapatakbo ng mahabang panahon ng AIBA sa mga programa sa amateur (AOB) at ang pinakahuli ay ang nakaraang World Series of Boxing (WSB) na ginagarantiyahan ng top-ranked national boxers sa halos apat na bakbakan sa loob ng isang taon. Walong boksingero ang umentra sa kada division at dadaan sa ‘elimination process via six rounds,’ at 8-rounder at championship bout sa 10 rounds.
Pinabagsak ni Suarez ang two-time Olympian at ex-European at world champion na si Domenico Valentino sa ikalimang round, pinadugo ang noo ng Italian tungo sa split decision sa kanilang 60kg lightweight fight sa Daulet Stadium sa Astana, Kazakhstan.
Tila nag-exhibition lamang si London Olympian Barriga kontra kay Argentina’s Leandro Blanc sa kanilang 49kg light flyweight fight sa Guangzhou, China.
Makakaharap ni Suarez, ang Asian Games silver medalist sa Incheon, si Kazakhstan’s Berik Abdrakhmanov sa Nobyembre 21, na hangad na maipaghiganti hoping ang hometown decision na kanyang natamo sa President’s Cup sa Astana noong Hulyo bagamat pinabagsak nito ang Kazakh na gamit ang right hook sa third round.
Makakatagpo naman ni Barriga si Ecuador’s Carlo Quipo.
“We are elated at the auspicious start of Charly and Mark in the APB,” saad ni ABAP president Ricky Vargas. “Their hard work and sacrifice are paying off. With help from the POC and the PSC, our athletes are reaching greater heights.”
Samantala, limang ABAP officials ang sumailalim sa examinations sa iba’t ibang fields.
Nakuwalipika si ABAP’s Dr. Isagani Leal bilang certified WSB at AOB ringside physician sa Assisi, Italy noong nakaraang Setyembre.
Nakakuha rin ng grado sina one-star international referee-judges Mark Abalos at Cildo Evasco, na-upgraded tungo sa 3-star international rank makaraang pumasa sa exams sa Almaty, Kazakhstan, Philippine team head coach Patricio Gaspi, naipasa ang accreditation course para sa 3-star WSB at ABP coaches sa Kazakhstan matapos na mapasakamay ang kanyang 3-star rank sa AOB sa Aman, Jordan, at AIBA international technical official (ITO) Karina Picson, nakapasa sa exams para sa tournament supervisor sa lahat ng tatlong AIBA competitions sa Almaty at naging unang Asian female boxing officials.