DAVAO CITY – Isinusulong ng pamahalaang lungsod ang proyektong Light Railway Train (LRT) system at nasa siyudad na ang mga kinatawan ng Korean Engineering Corporation (KEC) para magsagawa ng feasibility study sa proyekto.

“The Koreans are already here to make the study,” sinabi ni Mayor Rodrigo Duterte sa mga mamamahayag nang usisain sa update ng proyekto.

Sinabi ni Duterte na hindi dapat na magastos ang LRT project accessible sa mga commuter ng Davao City.

“Gusto ko ng commuter train na hindi masyadong mataas at hindi magastos, ‘yung can afford ng lungsod,” ani Duterte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa alkalde, ipatutupad ang proyekto sa pamamagitan ng Build, Operate, Transfer Scheme or BOT scheme.

Sa presentation ng KEC, tinukoy nito ang pagsigla pa ng traffic activities sa siyudad na magreresulta sa pagsisikip ng trapiko.

Ayon sa pag-aaral ng KEC, batay sa datos mula 2007 hanggang 2011, tuluy-tuloy ang 2.88 porsiyento na taunang pagtaas sa dami ng pasahero simula 2007.

Sinabi ni Duterte na tatagal ng isang taon ang feasibility study. (Alexander D. Lopez)