Pinagtibay ng Court of Appeals ang sintensiyang habambuhay na pagkabilanggo sa tatlong kalalakihan na nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa isang negosyante siyam na taon na ang nakararaan.

Sa 13-pahinang desisyon ni Associate Justice Ramon Cruz na sinangayunan nina Associate Justice Romeo Barza at Hakim Abdulwahid, ibinasura ng CA Fifth Division ang apela nina Alvin Labra at Hector Cornista na baliktarin nito ang desisyon ng Rizal Regional Trial Court (RTC) Branch 69 na nagpapataw ng habambuhay na pagkakakulong sa kanila at kasamahan nilang si Ricardo Banaay.

“The two failed to show that the RTC committed a reversible error in rendering the assailed decision,” nakasaad sa desisyon ng CA.

Ang tatlo ay sinintensiyahan noong 2010 kaugnay sa pagdukot at pagpatay kay Arturo Picones, may-ari ng Dinosaur Restaurant sa Binangonan, Rizal siyam na taon na ang nakararaan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ng Appelate court na positibong itinuro ni Carmelita, may bahay ng kidnap victim, ang tatlo na tumutok ng baril at dumukot sa kay Arturo.

Bukod dito, pinagbabayad din ng korte at tatlong hinatulan na bayaran ang pamilya ng biktima ng P535,000 sa actual damage; P200,000 sa moral damage; P100,000 exemplary damage; at P75,000 sa civil indemnity.

Ayon sa korte, humingi ang mga kidnaper ng P5 milyon sa pamilya ni Arturo bilang ransom subalit P400,000 halaga ng salapi at alahas ang naibigay ng mga ito.

Sa kabila ng pagbayad ng ransom, natagpuan pa ring patay si Picones sa isang lugar sa Angono, Rizal at may bakas pa ang katawan nito ng torture.