TARLAC CITY - Inihayag ng Clark Development Corporation (CDC) na hindi na makararanas ng rotating brownout ang Freeport nito kahit pa may nakaambang kakapusan sa kuryente sa 2015 dahil sa itatayong 300-megawatt na planta sa lugar.

Sa mensahe ni CDC President Arthur Tugade sa mga bumisitang delegado ng United States Trade and Investment Mission, ang planta ay itatayo sa pamamagitan ng Built-Operate-Transfer na mekanismo ng Public-Private Partnership.

Bukod dito, magbubukas din ang Golden Infinity, ang plantang gumagawa ng mga solar panel, at ang Shinoba, na nagpoproseso ng basura, sa lalawigan para maging bagong pagkukuhanan ng kuryente.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente