Jolina & Marvin

NAKAKATUWA pa rin sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal dahil nandoon pa rin ang chemistry nila kahit matagal silang hindi nagkasama.

Tinanong sila sa isyung naging ‘sila’ dahil hanggang ngayon ay walang kumpirmasyon.

“Naging kami,” hirit kaagad ni Marvin.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

“Hindi,” mabilis na salag ni Jolina.

Nakakatawa kasi hanggang ngayon ay pinaninindigan pa rin ng komedyana ang pagtanggi niya kay Marvin.

May inside info kaming alam na naging sila na hindi lang ipinaamin noon ng tatay ni Jolina dahil makasisira sa career ng anak. Kaya ang sabi ng aktor sa katambal ,“Idine-deny mo pa rin ako hanggang ngayon?”

Tama rin naman, bakit nga ba Jolina?

“Eh, hindi naman talaga, eh,” diin ng aktres. Idinaan na lang ni Marvin sa biro, “Ouch!”

Ang katwiran ni Jolina kaya para sa kanya ay never na naging sila ni Marvin, “Hindi, para sa akin. Ganito ha, na-in love ako sa kanya, eh, pero kaya ko sinasabing hindi (naging kami), nag-a-I love you ako sa kanya pero hindi siya sumasagot.”

“Eh naging kami talaga, eh. Sa puso ko at sa utak ko,” giit ni Marvin.

Pero bakit nga ba hindi niya sinasabihan din si Jolina ng ‘I love you?’

Biglang hirit ni Jolina, “Gusto mo bang sabihin ko kung ano ang isinagot mo?”

Mabilis na sagot ng aktor, “I-check mo ’yung mga messages mo.”

Singit ni Jolina kung bakit hindi si Marvin ang nakatuluyan niya, “Parang ’yung sa amin dati, love-hate, love-hate kami.”

Biro ni Marvin na kung sakaling sila ni Jolina ang nagkatuluyan, “Hindi ka ganyan, tiyak mataba ka,” sabay sipat sa katawan ng aktres.

‘Kaloka itong si Marvin, mukhang may pagnanasa pa kay Jolina maski present din sa presscon ang asawa ng aktres na si Mark Escueta.

Nasambit din ni Jolina na may ibang gustong artista noon si Marvin at babanggitin sana ang pangalan pero pinigilan siya ng aktor.

Paano nga ba sila nakabalik sa ABS-CBN?

“Maganda ang timing, ’yun lang ang masasabi ko sa lahat ng nangyari. Ang bilis lang, eh. So parang destined talaga siya. At saka nami-miss ko na rin ’yung mga dating katrabaho ko rito sa ABS-CBN,” kuwento ni Jolina.

Kuwento naman ni Marvin, si Ms. Linggit Tan ang tumawag sa kanya at tinanong kung saang network siya ngayon.

“Sabi ko, wala kasi medyo busy ako ngayon, katatapos lang (mag-shoot) ng Moron 5.2, medyo ang dami kong napabayaan sa negosyo. Sabi niya, ‘nak, kailangan nating mag-usap.’ Sabi ko, ‘sige po, next week po puwede tayo mag-meet.’ Sabi niya, ‘hindi, hindi pwede next week.’ Sabi ko, ‘bakit po, Wednesday na ngayon,’ sabi niya, ‘bukas, puwede ka? Kailangan tayong mag-meet bukas kasi next week, kailangan ka nang mag-shoot’.”

Nagkita sila at agad ipinakita sa kanya ang konsepto ng bagong programa.

“Then, I sat down with her, sabi ko, ‘kinakabahan ako, Tita Linggit sa ikukuwento mo,’ then I fell in love with the story. And she told me that I might be working with Jolina.”

At agad-agad na silang nag-taping ng Flordeliza na malapit nang mapanood.