Isang 12-anyos na babae ang nagsilang ng sanggol na lalaki sa isang ospital sa Kalibo, Aklan noong Nobyembre 3, 2014.

Ayon sa mga magulang ng bata, na tumangging pangalanan, hindi nila alam na buntis ang kanilang anak. Ang alam nila ay may sakit ito, at dinala pa umano nila sa albularyo ang paslit.

Pinag-aaralan ngayon ng mga magulang ang paghingi ng tulong sa pulisya upang malaman kung ginahasa ang paslit.

Agad namang tumulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Aklan sa pamilya ng bata.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod