LONDON (AFP)— Itinala ng British fire services ang e-cigarettes na pinag-ugatan ng mahigit 100 sunog simula noong 2013, ayon sa statistics ng fire brigade. Tumaas ang bilang ng mga gumagamit sa battery-powered cigarettes sa buong mundo nitong mga nakalipas na taon, at ngayon ay tinatayang mayroong 2.1 milyon Briton. Karamihan sa mga insidente ay iniugnay sa pag-charge ng e-cigarette gamit ang mumurahin o incompatible na charger.