Sa kabila ng sinasabi niyang mga plano ng kanyang mga kritiko upang siraan siya sa pamamagitan ng mga “baseless” na akusasyon ng korupsiyon, kumpiyansa pa rin si Vice President Jejomar C. Binay na mananalo siya kapag kumandidatong presidente sa 2016.
Sa panayam sa kanya ng media nang bumisita siya sa Camarines Sur noong nakaraang linggo, tiniyak ni Binay sa kanyang mga tagasuporta na milya-milya pa rin ang lamang niya sa kanyang mga posibleng kalaban sa eleksiyong pampanguluhan.
Aniya, bagamat bumaba ang kanyang ratings sa huling presidential preference survey ng Pulse Asia, nananatili naman ang malaki niyang “margin” sa mga posibleng makalaban niya sa pagkapangulo. - JC Bello Ruiz