OUAGADOUGOU (AFP) – Nagbabala ang mga leader ng oposisyon at ng civil society ng Burkina Faso laban sa pamumuno ng militar at nanawagan ng malawakang protesta matapos na punan ng army ang puwesto ng napatalsik na pangulong si Blaise Compaore.

Pinangalanan ng militar ang mataas na opisyal nitong si Isaac Zida upang pamunuan ang magiging pagbabago sa bansa isang araw matapos puwersahang pinagbitiw sa tungkulin si Compaore na nagplanong ipagpatuloy ang kanyang 27-taong pamumuno na nagbunsod ng mararahas na protesta.

Nangako si Zida na makikipagtulungan sa civil society, ngunit hindi nagbigay ng mga detalye sa pinaplanong transition.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho