Nais ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na muling pag-aralan ang mga ipinatutupad na estratehiya ng Philippine National Police (PNP) laban sa kriminalidad.

Naniniwala ang kalihim na kailangan pag-aralan ang magpairal ng ilang pagbabago sa crime fighting efforts ng PNP upang higit na maging epektibo ito sa harap ng lumalaking populasyon, lalo na sa Metro Manila.

Sa nagdaang mga buwan ay ipinairal ang smart policing strategy ng PNP sa pagtugon sa criminal situation sa bansa.

Kabilang sa sistemang ito ang pangangalap ng mga detalye, pagsusubaybay sa krimen at operasyon ng pulisya.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente