John Denver Bust

DENVER (AP) – Nakikiusap ang radio station sa Denver, na naglunsad ng isang heavy-metal Halloween ball, na ibalik na ang bust ni John Denver na nawala pagkatapos ng party.

Isa sa mga dumalo sa Saints and Sinners ball ng KBPI-FM noong Oktubre 28 ang nakialam sa bronze bust at kinalas ito mula sa kinapapatungan sa 1st Bank Center sa Broomfield, Denver. Nanawagan ang himpilan sa sinumang kumuha sa bust na ibalik ito sa studio nang buo at walang pinsala at hindi na mag-uusisa pa ang radio station.

Ang rebulto ay pag-aari ng Colorado Music Hall of Fame. Donasyon ito ng pamilya ni John Denver na unang inductee nito noong 2011.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala pa ring lead ang pulisya sa pagnanakaw.

Ang multi-awarded singer ang nagpasikat ng Take Me Home, Country Road, Annie’s Song, Rocky Mountain High at Sunshine on My Shoulders.