Tiniyak ng Pilipinong si Jack “The Assasin” Asis na papasok siya sa world rankings nang patulugin sa 2nd round si dating South American at Brazilian lightweight titlist Isaias Santos Sampaio para masungkit ang bakanteng WBA Oceania super featherweight belt sa Rumours International, Toowoomba, Queensland, Australia kamakalawa ng gabi.

Mula nang hawakan ng kanyang manedyer na si Aussie Brendon Smith, gumanda ang karera ng kilalang journeyman na si Asis kaya nagtala siya ng 11 panalo at 1 tabla sa huling 12 laban, 7 sa pamamagitan ng knockouts.

Ito ang unang regional title ni Asis matapos siyang mabigo na makuha ang WBC Asian Boxing Council Continental junior lightweight title nang mauwi sa 10-round majority decision ang sagupaan nila ni Japanese Hirohito Fukuhara noong Oktubre 4, 2013 sa sagupaan sa Queensland.

Mula nang kumampanya sa Australia, naging kampeon siya sa light welterweight division nang patulugin sa 1st round si Josh King na nasundan ng 2nd round TKO win sa dating world rated na Amerikanong si Nestor Rocha.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho