JULIAN, SOFIA AT INIGO

HINDI ko ini-expect na mag-eenjoy ako sa isasagot ng mga bida ng teen movie na Relaks, It’s Just Pag-Ibig na sina Sofia Andres, Erika Villongco, Julian Estrada at Iñigo Pascual handog ng Spring Films at distributed ng Star Cinema sa direksiyon nina Antoinette Jadaone at Irene Villamor.

Kadalasan kasi kapag mga baguhang artista at bagets pa ay wala kaming makukuha sa interview dahil pawang safe answer lang alam dahil nabilinan ng kani-kanilang managers at handlers.

Pero iba sina Sofia, Erika, Julian at Iñigo dahil mga palaban silang sumagot, nakakatuwa at ang sarap nilang kausap.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa Q and A portion pa lang ay ginulat na ang press ng kaprangkahan ni Julian na mahiyain sa unang tingnin pero hindi pala.

Inamin ni Julian na pressured siya sa Relaks, It’s Just Pag-ibig dahil unang pelikula niya ito ngayong binatilyo na siya. Nauna na siyang napanood sa Katas ng Saudi, pelikula kasama ang daddy niyang si Sen. Jinggoy Estrada noong bata pa siya.

“Now, I’m starting again,” sabi ng bagets, “siyempre po may pressure kasi kine-carry ko po ang name ng dad ko. But I try my best not to affect me.”

Ang tips na ibinigay ni Senator Jinggoy sa anak nang pasukin niya ang showbiz:

“Sabi ng dad ko po, be yourself, be honest po,” nakangiting sabi ng binatilyo.

Sumobra nga yata ang honesty ni Julian dahil inamin niyang type niya si Sofia pero mas close ito kay Iñigo.

“Iñigo and Sofia are my best friends, and I think, they have something,” na ikinagulat naman ng dalagita at sabay sabing, “Julian, ha? Baka gusto mong bawian kita.” At sabay paumanhin naman ni Julian, “Sorry guys.”

Nang tanungin kung ano ang pagkakaiba o endge niya sa Daddy Jinggoy niya:

“Si Daddy kasi ano, suplado. Ako, friendly, eh. ‘Pag comfortable po ako with people na kasama ko, hindi po ako naiilang, pero ‘pag kilala ko po, okay naman po.

May reporter na nagkomento habang nagsasalita si Julian na mas guwapo siya kaysa kay Senator Jinggoy, at ang balik-komento ng anak: “Ano, mataba siya,” na ikinatawa ng lahat. “Sexy siya, ha-ha,” natawa ring sabi ng bagets.

Susme, hindi lang honest si Julian, taklesa rin kaya talagang gusto namin siya at sana may next movie project siya, Spring Films.

Pero aminado si Julian na lamang ang daddy niya pagdating sa kantahan dahil, “Magaling kumanta si Daddy. I only play drums and guitar.”

Ngayong nasa kulungan ang daddy ni Julian, at bilang anak, ano ang masasabi niya sa mga pinagdadaanan nito?

“I know naman, Lord knows that he’s innocent and I believe that he will get out of jail soon and I always pray every night for him to get out.

“CD,” banggit ni Julian nang tanungin kung paano panonoorin ng ama ang Relaks, It’s Just Pag-ibig.

At ang isa pang nakakalokang revelation ni Julian, inamin niyang naging girlfriend niya si Julia Barretto.

Medyo alumpihit si Julian nang tanungin kung nagmahalan ba sila ni Julia.

“My God, yes…” sabay sabing pahabol, “be honest.”

Kaya pagkatapos ng Q and A, hindi na namin tinantanan si Julian at tinanong namin kung ilang buwan silang magkarelasyon ni Julia.

“Six months po,” sabay pigil ng handler niya, pero hindi nagpapigil si Julian.

Bakit ngayon lang niya inamin at nang si Julia ang tinanong ay itinanggi ito?

“We wanted to know ourselves more. We’re still friends now, I’m proud of her ‘coz she has a lot of projects.”

Nag-uusap pa sila ni Julia?

“Sometimes,” mabilis na sagot ng binatilyo.

Hindi bad break-up ang nangyari kina Julia at Julian.

“Hindi po, yeah, naka-move on na po.”

Nag-aaral pa si Julian kaya on-hold muna ang lahat ng projects niya, nagkataon lang na hindi pa siya enrolled nang gawin nila ang Relaks, It’s Just Pag-Ibig.

Paano kung may ialok na follow-up movie sa kanya?

“Tatanggapin po, depende kay Mommy at kay Daddy.”

Marami pa sana kaming tatanungin kay Julian pero kaagad na siyang hinila ng handler niyang taga-Star Magic.

Pero kahit ilang sandali lang naming nakausap si Julian ay natuwa kami sa bagets dahil napakatotoo at magalang niyang bata kahit inglesero dahil marunong pa ring gumamit ng “po at opo”.

Mapapanood ang Relaks, It’s Just Pag-ibig sa Nobyembre 12 at may mall show ang buong cast sa Nobyembre 2 sa SM Novaliches at sa Nobyembre 9 sa SM Fairview.