COLOMBO (Reuters)– Ibinaon ng landslide ang mahigit 140 kabahayan sa maburol na south-central ng Sri Lanka noong Miyerules matapos ang ilang araw na pag-ulan, na ikinamatay ng 10 katao, sinabi ng mga opisyal, habang naglalaho na ang pag-asang buhay pa ang mahigit 300 inilistang nawawala.

Ang mga batang umalis patungo sa eskuwelahan ng umagang iyon ay umuwi na nakabaon na ang kanilang mga bahay sa pamayanan ng Haldummulla, 190 km mula sa kabiserang Colombo.

Sinabi ni Disaster Management Minister Mahinda Amaraweera na 75 kabataan ang nakaligtas sa trahedya sa lugar na bantog sa kanyang mga plantasyon ng tsaa dahil nasa paaralan ang mga ito.

“We are not sure about the others. But we are trying our best to rescue them,” ani Amaraweera sa media.
National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?