BINANGONAN, Rizal— Kaugnay ng paggunita sa mga namayapa nating mahal sa buhay sa Todos los Santos at Araw ng mga Kaluluwa sa Nobyembre 1 at 2, inihanda na ng Department of Public Works and Highway (DPWH) Rizal Engineering District I at II ang paglulunsad ng Lakbay-Alalay na tutulong sa mga magsisiuwi sa kani-kanilang bayan at lalawigan.

Ayon kay District Engineer Roger Crespo, ng Rizal Engineering District I, nagtatalaga sila ng mga tauhan sa mga pangunahing lansangan upang tumulong sa pagbibigay ng assistance sa mga motorista.

Ito ay alinsunod sa utos ni Regional Director Samson Herba, ng DPWH Region lV--A Calabarzon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho