Iya Villania

BAGO pa man pumirma ng kontrata si Iya Villania sa GMA-7 ay naikuwento na sa amin ng isang ABS-CBN executive na matagal nilang alam na nakikipag-negotiate ang TV host sa Kapuso Network.

Banggit pa ng source namin, maayos naman ang paglipat ni Iya sa kabilang istasyon, wala na itong kontrata sa Kapamilya Network. Sa sampung taong pagiging Kapamilya ay wala namang problema ang istasyon sa kanya.

Dagdag din ng exec, maaaring ang asawang si Drew Arellano ang dahilan ng paglipat ni Iya sa GMA-7. Wish ng kausap namin na sana ay mabigyan ng Siyete si Iya ng project na hinahanap-hanap daw ng TV host sa Dos, huh!

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Parang nagpalitan lang ang Dos at Siyete, dahil nitong Miyerkules din nagbalik-Kapamilya si Jolina Magdangal.

From the same source, nalaman namin na may isa pang Kapuso star na malaki ang posibilidad na maging Kapamilya na rin.

Ayaw namang kumpirmahin ng source namin ang nakarating na isyu sa amin na may planong lumipat sa Siyete ang isa kina John Lloyd Cruz at John Pratts.