Inaasahang dadagsa ang mga investor sa renewable energy.

Pagtiyak ito ni Mario Marasigan, director ng Renewable Energy Management Bureau ng Department of Energy (DoE), sa talakayan sa integration ng renewable energy sa off-grid areas sa Pilipinas.

“Narito po kami para pagusapan ang mga challenges at maplantsa ang mga policies para mapabilis ang pagpasok ng mga investors sa renewable energy,” pahayag ni Marasigan sa media.

Naunang idinaing ng mga investor ang mahaba at matagal na proseso sa pagkuha ng papeles tulad ng permit sa kanilang operasyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinabatid ni Marasigan na kasalukuyang itinataguyod ang qualified third party (QTP) program at new private providers (NPP) program upang makahimok sa pribadong sektor na lumahok at magbuhos ng kapital sa power generation at distribution services sa malalayong lugar at small power utilities group.

“Ngunit, ilan lamang ang nagpahayag ng interest,” pahayag ni Marasigan. Dahil dito, aniya, nirerebisa ng DoE ang mga nakalatag na polisiya at rekomendasyon ng iba’t ibang sektor hinggil dito.

Tinalakay din ang EU SWITCH-Asia program kung saan naglaan ng P8 billion grant para maisulong ang green energy tungo sa climate change mitigation at poverty reduction, at ang GIZSupportCCC projects para mapailawan ang komunidad sa mga liblib na lugar.

Dumalo sa talakayan ang mga opisyal at kinatawan ng European Union, Deutsche Gesellschaft fur Internationale Zusammenarbeit, DoE, Department of Trade and Industry (DTI), Climate Change Commission, distribution utilities at electric cooperatives.