Lipa City, Batangas— Nakilala at naaresto ng mga awtoridad ang lalaking suspek sa panloloob at pananaksak sa tatlong estudyante sa kolehiyo, na ikinamatay ng dalawa sa Lipa City, Batangas.

Sasampahan ng kasong double murder at frustrated murder ang suspek na si Joel Saquing, 29.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 1:00 ng madaling araw noong Oktubre 27 nang pasukin ni Saquing ang inuupahang bahay ng mga biktima sa Barangay Sabang. Napatay ng suspek sina Ericka Maala at Geraldine Enriquez, kapwa 17-anyos, habang nakaligtas ang isa pa na si “Liezle” 16.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dahil sa salaysay ng mga nakainuman ng suspek bago ang krimen, itinuro si Saquing na suspek sa krimen at nakuha sa kanya ang nakabilad na itim na T-shirt at short na umano’y suot niya nang mangyari ang krimen gayundin ang isang balisong na may mantsa pa ng dugo.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya