Ni SAMUEL MEDENILLA

Isang coalition ng mga militanteng grupo ang humihiling na itaas sa P16, 000 ang buwanang sahod sa buong bansa upang maagapayan ang mga manggagawa sa pagtaas ng mga gastusin.

Sinabi ng Kilusang Mayo Uno (KMU), isa sa mga miyembro ng grupong All Workers’ Unity (AWU), na ang panukalang “significant” wage hike ay nakabatay sa computation na isinagawa ng Ibon Foundation.

Sa kanyang pag-aaral, inirekomenda ng Ibon Foundation ang halaga ng Family Living Wage (FLW), o ang kita na kailangan ng bawat pamilya upang matustusan ang mga pangunahing pangangailangan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“They got the amount by multiplying P1,086, which according to independent think-tank Ibon Foundation is the FLW in August 2014, by 30 days and then dividing the product by two,” paliwanag ni KMU chairperson Elmer Labog.

Ang panukala ay halos doble sa umiiral na P466 regional minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila, na kasalukuyang pinakamataas sa bansa.