Inamin ni dating WBA welterweight champion Marcos Maidana ng Argentina na kung mayroon siyang gustong makalaban bago nagretiro ay walang iba kundi si eight-division world boxing champion Manny Pacquiao.

Natalo si Maidana sa dalawang huling laban sa hambog na Amerikanong si pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. pero gusto pa niyang makaharap si Pacquiao na tanging boksingero sa buong mundo na nagkampeon sa walong dibisyon.

May kartadang 35-5-0 (W-L-D) na may 31 pagwawagi sa knockouts, malaki ang motibasyon ni Maidana na hamunin si Pacquiao na ipagtatanggol ang WBO welterweight title sa Nobnyembre 22 sa Macau, China laban sa walang talong si  Chris Algieri ng United States.

“[Pacquiao] is the biggest thing for me after Mayweather, and [it makes] business [sense to] fight him. There is a desire to stage something here, but it would be very difficult to make a fight so big in Argentina,” sinabi ni Maidana kay boxing writer Elisinio Castillo ng BoxingScene.com.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hinggil sa kanyang huling laban kay Mayweather, aminado si Maidana na mabilis si Mayweather at posible ring hindi na niya makalaban si Pacquiao dahil pinagreretiro na siya ng kanyang pamilya sa boksing.

“He was very fast, he moved around the ring very well, but I still believe that I can beat it. We failed in reaching the objective, which was to win,” dagdag ni Maidana. “ I’m very happy with what I did and because I trained very hard. I feel good to fight, and I think I can do it against anyone, but my family does not want [me to continue fighting], so I’m thinking [about what I plan to do in the future].”