GAPAN CITY, Nueva Ecija— May kaugnayan sa trabaho ang sinisilip na motibo sa pamamaslang noong Biyernes ng umaga sa isang empleado ng isang sangay ng hukuman sa lungsod na ito, ayon sa lokal na pulisya.

Ayon kay P/Supt. Dennis Aganon, hepe ng Gapan City Police, patungo sa kanyang opisina ang biktima na si Leonardo Legaspi Padilla, 63, may asawa, process server ng Regional Trial Court (RTC) Branch XXXIV, nang tambangan siya sa Bgy. San Lorenzo, Gapan City.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Marvin Cambi, dakong 7:15 ng umaga nagmamaneho ng traysikel ang biktima nang barilin ng kasunod na motor Mabilis na tumakas ang salarin patungong Bgy. Pambuan, Gapan City.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20