PARIS (Reuters)– Inumpisahan ni world number one Novak Djokovic ang pagdedepensa ng kanyang titulo sa Paris Masters sa pamamagitan ng 6-3, 6-4 panalo kontra sa German na si Philipp Kohlschreiber sa ikalawang round ng torneo kahapon.

Ang top seed, nabigyan ng first round bye, ay sunod na makakaharap ang 13th-seeded American na si John Isner o Frenchman na si Gael Monfils para sa isang puwesto sa quarterfinals.

Si Djokovic, na nasa isang karera kalaban si Roger Federer upang tapusin ang season sa ituktok ng rankings, ay agad binuksan ang 3-0 abante sa paglalaro ng agresibong tennis sa Bercy Arena.

Nakakuha si Kohlschreiber ng break back ngunit naging matatag ang kanyang kalaban upang maibulsa ang opening set sa isang service winner.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sunod na na-break ni Djokovic ang first game ng second set habang nahirapan naman ang German na makapagpokus.

Si Djokovic, na naging ama sa unang pagkakataon noong isang linggo, ay naselyuhan ang panalo sa kanyang unang match point.

“It was a very good match considering the fact that I didn’t play indoors for a year (since last year’s ATP World Tour Finals). I struggled a little bit physically. It was a pretty tough couple of weeks,” lahad ni Djokovic sa mga mamamahayag.

Ang Paris Masters ang magdedesisyon kung sino ang magbibiyahe patungong London sa darating na buwan para sa Tour Finals kung saan sina Djokovic, Federer, Stanislas Wawrinka at Marin Cilic ay nakuwalipika nang lahat.

Ang Czech na si Tomas Berdych, ang fifth seed na kasalukuyang nasa ikawalong puwesto sa Race to London, ay umabot sa third round sa kanyang 6-4, 6-7 (3), 6-2 pagtalo kay French wild card Adrian Mannarino.

Sakaling natalo si Berdych, ito ay mangangahulugan ng siguradong pagkuwalipika ng Briton na si Andy Murray para sa Tour Finals, ngunit nabawi ng Czech ang kanyang composure makaraang mabitawan ang isang second set tiebreak at hindi na muling lumingon matapos ang decisive break sa third game ng decider.