PARIS (AP) – Sa kabila ng nadaramang kaligayahan bunga ng pagiging isa nang ama, ibabalik ni Novak Djokovic ang atensiyon sa tennis sa kanyang pagtatangkang mapigilan si Roger Federer na maangkin ang year-end No. 1 ranking.
Ididepensa ni Djokovic ang kanyang titulo sa Paris Masters ngayong linggo, ang kanyang unang torneo mula nang maipanganak ang kanyang unang supling noong nagdaang linggo. Pansamantala niyang iniwan ang anak na lalaki, si Stefan, kasama ang asawang si Jelena, at sinabing umaasa siyang maisasama na ang pamilya sa kanyang tennis travels sa susunod na taon.
‘’I would like to be with him every single day and with my wife,’’ sabi ni Djokovic, ‘’but sometimes that’s not possible, like this week for example . because the baby is too young to travel yet.’’
Si Djokovic ay may 2,230 puntos na kalamangan kay Federer sa world rankings. Ngunit ang top-ranked na Serb ay mayroong 2,500 puntos na dapat idipensa sa kanyang pagkakakopo sa Paris Masters at ATP World Tour Finals noong isang taon, habang si Federer ay maaaring makahakot ng puntos sa kanyang pagkakatalo sa semifinals ng parehong events.
‘’Honestly, the way I feel right now, I feel like I’m already No. 1 with becoming a father last week. For me, this is the most important moment in my life,’’ ani Djokovic, na pumaibabaw sa rankings sa pagtatapos ng 2011 at 2012.
Ngunit dagdag niya: ‘’Of course it is, for both of us, the goal (is) to finish the year as No. 1 of the world. Of course it’s a big objective.’’
Napanalunan ni Federer ang titulo sa Swiss Indoors sa kanyang hometown tournament noong Linggo. Maaaring tapusin ng 17-time Grand Slam champion ang season bilang top player sa ikaanim na pagkakataon at makapantay ang rekord ni Pete Sampras.
‘’This year he came out strong again,’’ saad ni Djokovic, ‘’competing for Grand Slam titles, now competing for No. 1 of the world. And I never thought that he’s not a competition for No. 1 of the world.’’
Noong isang taon, ininda ni Federer ang pananakit ng likot at naranasan ang isa sa pinakapangit na season sa kanyang career na isang titulo lamang ang nasungkit.
‘’I don’t think that age is an issue for him,’’ sabi ni Djokovic. ‘’As a matter of fact, I think he’s playing some of his best tennis this year.’’
Magkatabla sina Djokovic at Federer para sa pinakamaraming titulo ngayong season sa lima at maaaring magharap sa final ng Paris Masters. Si Federer ay may 3-2 abante kontra Djokovic ngayong taon at may 19-17 career record kontra sa Serb.
Mayroong first-round bye si Djokovic ngayong linggo at makakalaban si Philipp Kohlschreiber ng Germany sa ikalawang round.