CABANATUAN CITY - Bilang paghahanda sa inaasahang pagsisikip ng trapiko sa mga national at provincial road sa Undas, maagang ikinasa ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang mga preparasyon.

Ito ang nabatid ng Balita mula kay NEPPO Director Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, matapos ihayag na kasado na ang “Oplan Undas” sa mga estratehikong lugar sa national highway para tumugon sa anumang emergency.

Sinabi ni Nieves na magde-deploy din ng Highway Patrol Group (HPG) para sa pagmamantine ng kaayusan at kapayapaan at magbubukas din ng police assistance center sa bawat pampublikong sementeryo.

Mamamahagi rin, aniya, ang Police Community Relations Group ng flyers sa mga transport terminal, pamilihan at sementeryo tungkol sa ilang safety tips sa pagbibiyahe.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nakalathala na rin sa website ng Philippine National Police (PNP) ang guidelines para maproteksiyunan laban sa mga magnanakaw ang mga bahay na pansamantalang maiiwan ng magsisitungo sa mga sementeryo sa Undas.

Ayon pa pulisya, mga bahay na walang tao ang karaniwang puntirya ng mga kriminal kaya pinapayuhan ang publiko na magtalaga ng magbabantay sa bahay, at tiyaking naka-unplug ang lahat ng appliances at nakapatay ang main switch/fuse ng kuryente para makaiwas sa sunog.