Isang jailguard at isang inmate ang namatay sa jailbreak sa provincial jail ng Apayao noong Linggo ng gabi.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa magkapatid na tumakas sa bayan ng Santa Marcela, Apayao na pumatay kay Jail Officer 1 Damaso Patan Peru Jr. at sa bilanggong si Huebert Fuerte.

Kinilala ng Santa Marcela Police Station, ang suspek na sina Marcelino at Felix Dagdagan, residente ng Flora, Apayao, at kapwa may kasong murder.

Ayon kay Senior Supt. Robert Gallardo, director ng Apayao Provincial Police Office (APPO), pinagtataga sa ulo ng mga suspek si JOI Peru nang buksan nito ang kanilang selda. Inaalam pa ng pulisya kung papaano nadamay ang presong si Fuerte na pinagtataga at binaril ng shotgun na nakuha mula sa jailguard.
National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'