DJ Durano

NAKAKUWENTUHAN namin si DJ Durano bago siya sumalang sa guesting sa The Buzz last Sunday. Inamin ng aktor na may plano na silang magpakasal ng kasintahang non-showbiz bagamat hindi pa niya masabi ang eksaktong petsa.

Pero tiniyak niya na magaganap ito bago sumapit ang 2016 elections dahil tatakbo pala siya para alkadle sa isang bayan sa probinsiya ng Cebu. Sa totoo lang, kilalang-kilala ang mga Durano sa Cebu at halos lahat ng mga kamag-anakan ni DJ ay nasa pulitika.

Matagal pala siyang hinihimok ng mga kamag-anak niya na pasukin ang pulitika pero tinatanggihan niya, noon. Pero napag-isip-isip ni DJ na ngayon ang tamang panahon para pasukin niya ito.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Maging ang magiging asawa niya ay hinihimok siyang tumakbo for mayor sa lugar nila. Kaya sa susunod na taon ay lilimitahan niya ang kanyang showbiz commitments para mabigyan ng konsentrasyon ang ambisyong magiging susunod na mayor ng Danao.

Samantala, nagpapasalamat si DJ Durano na kahit tinapos na nila ni Direk Wenn Deramas ang ilang taon nilang relasyon ay tinutulungan pa rin siya nito sa kanyang showbiz career.

Busy at very visible ngayon si DJ Durano dahil promo period ng Moron 5.2 The Transformation na pinagbibidahan nila nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, Matteo Guidicelli at John Lapus sa direksiyon ni Wenn Deramas.