Napisak ang ulo ng isang bata at malubhang nasugatan ang kanyang tiyuhin nang araruhin ng rumagasang tourist bus ang kinalulunan nilang tricycle sa Quezon City noong Lunes.

Kinilala ng Traffic Sector 1 ang namatay na si Homer Bugarin, 6, ng No. 204 Biak Na Bato, Barangay Manresa, Quezon City habang malubhang nasugatan ang tiyuhin nitong si Genesis Pitlayan, 32.

Base sa report ni SPO1 Magat, dakong ng umaga ng gabi mabilis ang takbo ng KIA Tourist Bus (TGI–709) na minamaneho ni Alvino Morales, 32, ng Roxas, Capiz at pagliko sa ibabang bahagi ng Mauban St., Biak Na Bato ay nawalan ito ng preno hanggang rumampa sa may gutter at inararo ang kinalulunang tricycle ng magtiyuhin.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Traffic Sector 1 ang tsuper ng bus makaraang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, injury and damage to property sa Quezon City Prosecutor’s Office.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20