Sinuspinde kahapon ang klase ng isang pribadong paaralan matapos sapian umano ng masamang espiritu ang isang guro at anim na estudyante sa Argao City, Cebu.

Nabalot sa takot ang naturang paaralan nang saniban umano ng masamang espiritu ang isang 16-anyos na estudyante at bigla itong magsisigaw na ikinagulat ng kanyang mga kaklase.

Sinabi ni PO2 Renato Nacaytona ng Argao Police Station, isa sa mga rumesponde sa insidente, hindi umano maintindihan ang mga salitang binabanggit ng mga nasapian at nagbago rin ang tono ng boses ng mga ito.

Matapos nito ay sunud-sunod na ring nawala sa sarili ang lima pang estudyanteng lalaki at isang guro.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakatakdang dalhin ang mga sinapiang estudyante at guro sa kilalang exorcist sa Cebu na si Msgr. Fred Kriekenbeek upang maibalik ang normal na kalagayan ng mga biktima.