SANTA IGNACIA, Tarlac - Malagim na kamatayan ang sinapit ng tatlong katao nang bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa kasalubong na Isuzu mini dump truck sa highway ng Barangay Padapada sa Santa Ignacia, Tarlac, noong Linggo.

Halos maligo sa sariling dugo ang nasawing sina Joseph Lundag, nasa hustong gulang, driver ng tricycle (TV-5333); Christian Valete, at Roland Corpuz, kapwa construction worker, lahat ay residente ng Bgy. San Juan De Mata.

Sugatan at ginagamot sa Tarlac Provincial Hospital sina Christian Dela Cruz, 33; Rolly Valete, 48; at Romeo Sumaoang, 40, pawang obrero at residente rin sa nasabing barangay.

Nakasalpukan ng tricycle ang truck (WJS-442) na minamaneho ni Palar Aquino, 26, ng JBL Construction Company, ng Bgy. San Roque, San Jacinto, Pangasinan.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20